Next Publication In:
Days: 00
Hours: 00
Minutes: 00
Seconds: 00

SALITANG LUCBANIN: BASEHAN SA PAGBUO NG GLOSARYO

📘 Volume 6 📄 Issue 7 📅 july 2021

👤 Authors

Maria Edelyn M. Palle 1
1. Teacher I, Department of Education, Castañas National High School

📄 Abstract

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang â??Salitang Lucbanin: Basehan sa Pagbuo ng Glosaryoâ? na naglayong alamin ang demograpikong profayl ng mga tagatugon batay sa edad, kasarian, estadong sibil at tagal ng paninirahan, lawak ng kaalaman batay sa kamalayan, kalinawan ng kahulugan at lebel ng pag-unawa gayundin ang makabuluhang kaugnayan ng dalawa sa lawak ng kaalaman sa salitang Lucbanin. Sa pagpili ng mga tagatugon ay ginamitan ito ng â??Simple Random Samplingâ? at ginamitan ng istatistikal na pamamaraang frequency, percentage, weighted mean, standard deviation at r-value ang lahat ng nakalap na datos. Ang mga tagatugon ay may kabuuang isandaan, nakahihigit ang edad labingwalo hanggang dalawampuâ??t pito, lalaki, walang asawa at dalawampuâ??t isa hanggang tatlumpung taon na ang tagal ng paninirahan sa Lucban, Quezon. Lumabas din sa pananaliksik na lubos ang kamalayan ng mga tagatugon sa salitang Lucbanin dahil sa pahayag na â??Naririnig ko ang salitang Lucbanin sa mga tao sa paligid ko kung kayaâ??t nalalaman ko ito.â? Sa kalinawan ng kahulugan ay lubos din ang pagsang-ayon ng mga tagatugon dahil sa pahayag na â??kaya nilang makipag-usap sa tao gamit ang salitang Lucbanin dahil malinaw sa kanila ang kahulugan nito.â? Gayundin sa lebel ng pag-unawa na lubos din ang pagsang-ayon sa pahayag na â??nauunawaan nila ang salitang Lucbanin dahil sa mga taong kasama sa tahanan at naiintindihan ang salitang Lucbanin dahil sa nakakasalamuha sa araw-araw, bata man o matanda, lalaki man o babae.â? Sa resulta ng maikling pagsusulit, lumabas sa pananaliksik na ito na ang puntos na sampu hanggang labindalawa ay nakakuha ng pinakamataas na bilang na limampung kabuuang tumugon at may literal na paliwanag na Mahusay. Para sa konklusyon ng pananaliksik ay ipinakikita nito na ang walang bisang palagay na â??Walang makabuluhang kaugnayan ng demograpikong profayl ng mga tagatugon sa lawak ng kaalaman sa salitang Lucbaninâ? ay huwag tanggapin, ipinakikita nito na â??may makabuluhangâ? kaugnayan sa pagitan nila. Inirerekomenda ng mananaliksik na magsagawa pa ng susunod na pag-aaral pagkalipas ng limang taon at maaaring pumili ng ibang lugar sa Quezon na maaaring maging lugar ng pananaliksik.

🏷️ Keywords

Demograpikong Profayl Glosaryo Kamalayan Kalinawan ng Kahulugan Lebel ng Pag-unawa at Salitang Lucbanin

🔗 DOI

View DOI - (https://doi.org/10.36713/epra7750)

📚 How to Cite:

Maria Edelyn M. Palle , SALITANG LUCBANIN: BASEHAN SA PAGBUO NG GLOSARYO , Volume 6 , Issue 7, july 2021, EPRA International Journal of Research & Development (IJRD) , DOI: https://doi.org/10.36713/epra7750

🔗 PDF URL

https://cdn.epratrustpublishing.com/article/1113pm_44.EPRA JOURNALS 7750.pdf

📄 PDF Preview

Click the button above to load the PDF.